7 Things You Should Never Do In Your Free Trial Lesson

Confuse.

Bumaba ako sa Starbucks sa Shinagawa station sa Tokyo na confuse. Nuong 2007, inintroduce ako ng aking kaibigan na magturo ng English sa mga hapon.

Kaya excited ako na nagbihis at nakipagkita sa kanya sa Shinagawa station, na malapit lang sa school ko. Itinuro ko lahat ng gusto niyang malaman, sinagot ko lahat ng kanyang katanungan.

Pero bigo ako na ma-convince siya na mag-enroll sa akin.

Napaisip tuloy ako, habang pababa ng Starbucks.

Confuse ako kung bakit di siya nag-enroll sa akin.

Dahil ba lalaki ako?

Dahil ba hindi ako native speaker?

Sa aking pananamit ba?

Sa aking grammar?

Sa aking pronounciation?

Umuwi akong bigo at confuse. Pero sa pagtagal ng panahon, na-realise ko na marami pala akong mistakes na ginawa - una na dito ay ang pagiging teacher. Sa free trial lesson pala, hindi pala dapat maging teacher.

Ito ang isa sa 7 na kadalasang mistakes sa mga free trial class o free consultation session. Sa video, tinalakay ko kung ano-ano ang mga ito.

Meron ka bang karanasan na magbigay ng free trial class o free consultation session? Ano ano ang mga ito? Mag-email lang sa akin sa erwin@erwinbrunio.com para mailagay ko sa ating blog